Wednesday, February 21, 2007

kILaLa NyO bA aNg MgA BaBaE sA AkINg BuhAy...

. . . Siya si nanay conchita ang masungit kong lola
taga hanap ko ng pera nung ako'y nag aaral pa
lage nangangaral hwag na hwag mag aasawa
mag aral muna lageng paalaala . . .
Ngayong ako'y tapos na at isa ng doktora
Sa kanyang mga amiga ako ang lageng bida
Kulubot sa kanyang mukha sa aki'y nagpapaalaala
Kasungitan pala niya noon maganda ang makukuha. . .

. . . Siya naman si mama butihin kong ina
namuhay sa inglatera para lang me maipadala
tiniis ang lungkot sarili'y di inuna
sa limang anak dugo't pawis ibinuwis niya
me hihigit pa kaya sa pag ibig ng isang ina
labis na pangungulila ay isanantabi muna
para sa kinabukasan ng mga anak niya . . .

. . . Siya naman si gracia ang kapatid kong dentista
magkaiba raw kami ng ugali sabi ng iba
kikay, tahimik at kung umasta'y parang senyorita
kaya naman kadalasan lage kong nababara
sa gawaing bahay kailangan itcha-pwera
kase lageng sabi nag aaral daw siya
ngunit kahit ganun ang kapatid kong si gracia
marunong makinig sa aking mga paalaala . . .

. . . Siya naman si maricris ang bunso ng pamilya
kung tawagin nami'y ineng at ng mga pinsan niya
masayahin, makwento at maraming ideya
sa sariling lenguahe na binibitawan niya
di mahilig mag aral cellphone lageng hawak niya
pagpinagagalitan ang iyak abot hanggang kalsada
At ngayon doon na siya magkokolehiyo sa ingglatera
pag alis niya tiyak mamimiss namen siya . . .

. . . Siya naman si nanay Rebecca tinuturing kong parang nanay talaga
tinuring akong parang anak lalo na ng nawala anak niya
kasabay ko sa pagtangis sa bigat ng aming dinadala
sa isang taong parehong sa ami'y mahalaga
sa tuwi tuwina'y lage niyang pinaaalala
mahal niya ako at huwag mag alala
ang Diyos na mahabagin lahat nakikita NIYA . . . .

No comments: