Ang buhay abroad mahirap talaga
Akala laang ng iba namumulot ng pera
Lahat ng akala nila ay maling sapantaha
Kalungkutan, pag iisa ay talagang kalaban nila
Sa minamahal nila para laang me maipadala . . .
Init sa disyerto ay hindi alintana
Pati ang lamig ng snow ay hindi makakana
Sa kanilang pagpupursige sikap at adhika
Maibigay ang magandang buhay sa pamilya na kanilang kinakalinga. . .
Walang sinasayang na oras trabaho'y di pinalalampas
Lage kumakaripas baka maiwan ng BAS (bus)
Sa susunod na trabaho panibagong hagipas
Kaya naman dugo't pawis parang ginagapas. . .
Pagtawag sa pinas para kang nalalagas
Sa dami ng problemang kanilang binabagtas
Perang pinadala wari mo'y winawaldas
Ala man lang "ingat ka "at malasakit na wagas. . .
Wednesday, February 21, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment