Wednesday, February 21, 2007

KuMpIsAL...

Tahimik man ako ngunit parang sumisigaw
Nakangiti man ako ngunit parang pumapalahaw
Sa t**ik at panulat ko'y hikbi ang sumusungaw
Simpait sinsakit na animo'y singaw
Sabihin man nilang sumisikat yaring paglubog ng araw
Mundo ng kawalan akin pa ring natatanaw . . .


Ang buhay ko 'y tulad ng isang lagas na dahon
Pinapadpad ng hangin ang patungo'y di alam
Nang ang mata ko'y mapatingin sa isang rosas
At waring ang halimuyak nya'y nagsasabing, " mahal ka rin Niya . . ."
Buong kalikasan man din ay aking namasdan
At lahat sila'y nagsasabing, " mahal ka rin Niya . . ."


Ako'y natulala at biglang napahiya
Sa Poong Maykapal bakit hindi nagt**iwala
Buti pa ang kalikasan na Kanyang nilikha
Marunong magtiwala sa Diyos na sa kanya'y lumikha. . .
Patawad po panginoon sa aking pag aalipusta
Sa kapangyarihan mo'y di ako nagtiwala. . . .

No comments: